Dahil sa walang sawang suporta ng Pamahalaang Lungsod sa mga programa ng Department of Labor and Employment (DOLE), sa pamamagitan ng pagsisikap ni Mayor Cristy Angeles na makahanap ng pondo sa tulong ng DOLE ay naibaba at naipagkaloob ang programang Rice Trading Business, na may layuning magamit ang ipinahiram na pondong ito upang maging puhunan para makapag-umpisa sa negosyong bigasan para sa mga benepisyaryo nito mula sa tatlumpung (30) barangays, na mayroong humigit kumulang 500 beneficiaries ngayong araw, kaantabay ang Public Employment and Services Office (PESO) sa Tarlac City Kaisa Convention Hall.
Malaki po ang pasasalamat natin sa DOLE dahil sa mga programang nagagamit natin para sa ating mga mamamayan sa kanilang paglago at pag-unlad. Pakiusap ko lamang po na sana ay gamitin niyo ito wisely at mapalago ang negosyong ito. Naniniwala po ako na posible ang pag-asenso, basta’t tayo ay Magkaisa Bawat Oras Sama-Sama! – Mayor Cristy Angeles