“Inilaan po ang araw na ito upang pasalamatan at kilalanin natin ang sakripisyo at dedikasyon ng ating mga pinakamamahal na guro. And as our way of recognizing the very vital role of our teachers in the progress and development of Tarlac City, the City Government of Tarlac, under our administration, continue to extend assistance that will aid our educators in their noble tasks. ” ~Mayor Cristy Angeles

Pinangunahan ni Mayor Cristy Angeles kaisa si Coun. KT Angeles ang selebrasyon ng pasasalamat para sa ating mga minamahal na guro ng DepEd – Tarlac City Schools Division, bilang pagkilala sa kanilang sakripisyo, dedikasyon at mahalagang tungkulin na ginagampanan bilang pundasyon ng patuloy na pag-unlad ng ating lungsod at ng ating bansa ang naganap sa isinagawang World Teacher’s Day Celebration ngayong October 2, 2024 sa Tarlac City Gymnatorium.