“Umaapaw ang blessing ng Panginoon sa ating lahat at ngayong araw may distribution po tayo ng mga bigas courtesy ni Sec. Gibo Teodoro, Secretary ng National Defense dahil nakita po niya ang hirap at pagod natin sa pamamalakad ng maayos na paggogobyerno dito sa Lungsod ng Tarlac”. ~Mayor Cristy Angeles
1,700 sako ng bigas (50kgms) mula sa Office of Civil Defense (OCD) ang ipinamahagi ng Pamahalaang Lungsod ng Tarlac sa pangunguna ni Mayor Cristy Angeles sa iba’t ibang sektor ng 76 barangays ng Tarlac City kabilang na ang mga Barangay, Muslim Group, Barangay Health Workers , Day Care Workers, Civil Society Organization at Senior Citizen Presidents na naapektuhan ng bagyo noong nakaraang taon sa lungsod.