Delivering Angel Care sa pamamagitan ng Botika on Wheels ang goal na achieved ng City Government of Tarlac, sa pamumuno ni Mayor Cristy Angeles, sa paghahatid ng libreng gamot sa mga tahanan ng mga residenteng nag-request nito mula Brgy. Balete, Central, Mapalacsiao, Cut Cut II DPCH, Asturias, San Manuel, San Jose, San Francisco, Sapang Tagalog, at Paraiso ngayong March 5, 2025.

Parte ito ng 3-in-1 na serbisyo ng Angel Care Pharmacy, tatlong paraan na makakakuha ng libreng gamot:

1. Pisikal na botika na located sa Tarlac City Hall Legislative Bldg.

2. Sa pagbaba ng Angel Care Program sa bawat barangay

3. Door-to-door delivery, ayon sa request sa Brgy. Health Center

Taong 2017 pa ay namamahagi na ng libreng gamot sa mga barangay dahil batid ng Ina ng Lungsod ang kahalagan ng pagkakaroon ng access ng bawat Tarlakenyo dito para sa mas mabuting kalusugan.

#AngelCarePharmacyonWheels#BotikaNgBayan#AngelCareProgram#MagkaisaBawatOrasSamaSama