“Alam po ninyo God is good, nananahimik tayo biglang dumating ang mga good samaritans natin na “Lalamove” para tulungan tayong lahat. Nandiyan po sila nagbibigay serbisyo sa lahat ng ating mga kababayan sa pamamagitan ng Express Delivery!” ~Mayor Cristy Angeles
Pag-asa ang hatid ang tulong pangkabuhayan ng Lalamove na magbibigay ng pagkakataon na makapagbigay ng job opportunities para sa lahat ng Public Utility Vehicles (PUVs) at Public Utility Jeepneys (PUJs) drivers sa Tarlac sa isinagawang Lalamove Tuloy Biyahe Program: Tsuper Onboarding Roadshow ngayong September 19, 2024 sa Kaisa Convention Hall. Ito ay naging posible sa bukas na ugnayan ng Pamahalaang Lungsod ng Tarlac sa pangunguna ni Mayor Cristy Angeles sa mga private organizations.