Bawat ngiti at akap na natatanggap ko mula sa inyo ang nagsisilbing inspirasyon at lakas ng aking loob upang ipagpatuloy ang aking serbisyo sa ating bayan. Ang inyong suporta at pagmamahal ang nagbibigay sa akin ng determinasyon na maglingkod ng buong puso. 🙏🏻♥️🥰
mayor
cristy
angeles
mayor
cristy
angeles
Bawat ngiti at akap na natatanggap ko mula sa inyo ang nagsisilbing inspirasyon at lakas ng aking loob upang ipagpatuloy ang aking serbisyo sa ating bayan. Ang inyong suporta at pagmamahal ang nagbibigay sa akin ng determinasyon na maglingkod ng buong puso. 🙏🏻♥️🥰
mayor
cristy
angeles
Bawat ngiti at akap na natatanggap ko mula sa inyo ang nagsisilbing inspirasyon at lakas ng aking loob upang ipagpatuloy ang aking serbisyo sa ating bayan. Ang inyong suporta at pagmamahal ang nagbibigay sa akin ng determinasyon na maglingkod ng buong puso. 🙏🏻♥️🥰
tarlac city mayor
maria cristina c.angeles
Si Maria Cristina Cuello Angeles, o mas kilala sa pangalang Cristy, ay ipinanganak noong Nobyembre 29, 1959 sa Tarlac, Tarlac. Ang kaniyang mga magulang ay sina Virgilio Sarmiento Cuello na tubong Laguna at Teodora Puno-Cuello na tubong Tarlac. Panganay sa apat na magkakapatid, naging magandang ehemplo at maaasahan si Cristy sa kaniyang mga kapatid na sina Maria Encarnita, Marissa at Michael. Lumaki si Cristy sa Tarlac kasama ang kaniyang buong pamilya.
Siya ay nakapagtapos ng elementarya at high school sa College of the Holy Spirit sa Tarlac, isa sa mga pinakamagandang paaralan sa Tarlac. Nang magkolehiyo, pinili ni Cristy na simulan ang kaniyang pag-aaral sa kursong Bachelor of Science in Commerce sa University of Santo Tomas sa Maynila. Sa mura nyang edad, kapansin-pansin ang pagmamahal ni Cristy sa pagsusulat. Patunay dito ay nang maging miyembro siya ng kanilang pahayagang “The Shield” bilang Associate Literary Editor sa wikang Filipino. Nagtuloy – tuloy pa ang kaniyang hilig sa pagsusulat nang siya ay tumuntong sa kolehiyo kung saan siya naman ay naging miyembro ng “The Varsitarian” , ang opisyal sa pahayagan ng UST bilang isang Literary Staffer.
Naging sandata rin ni Cristy ang pagiging makata upang siya ay makipagsabayan sa ibang mga estudyante bilang isang Debater ng kaniyang klase. Bukod sa pagiging makata, si Cristy ay may taglay na husay bilang isang lider. Mula sa kaniyang panahon bilang isang estudyante sa elementarya hanggang sa kolehiyo, ipinamalas ni Cristy ang kaniyang natural na abilidad sa pagtataguyod at pamumuno sa kaniyang mga kamag-aral.
Nang makatapos ng pag – aaral, agad na nagtrabaho si Cristy sa iba’t – ibang pribadong kumpanya sa loob at labas ng Tarlac. Ilan sa mga kumpanyang ito ay ang C&P; Farm Corporation, V.S. Cuello Construction, at ang Puno Enterprises,Inc. Sa mga propesyonal na karanasan na ito, natutunan ni Cristy ang mga pangunahing sangkap sa pagiging matagumpay sa paghahanap-buhay.
Sumabak din si Cristy sa pagnenegosyo. Naitayo niya ang kaniyang unang negosyo na Tropical Touch Artcrafts – isang maliit na negosyo na gumagawa ng mga native products tulad ng mga bags at baskets na gawa sa tinahing mga talahib. Nagtayo rin ng sariling salon – ang Hair Skills Face & Nail Center, na umiiral pa rin sa iba’t-ibang lungsod ng Pampanga hanggang sa kasalukuyan.
Pebrero 1986, nagpakasal si Cristy kay Victor Manguera Angeles, tubong Tarlac, at sila ay nagkaroon ng apat na anak na sina Mark Andrei, Katrina Theresa, Ana Victoria, at Stacey Nicole. 2013, unang sumabak si Cristy Angeles sa pulitika bilang Senior Board Member ng ikalawang Distrito ng lalawigan ng Tarlac kung saan nakilala siya bilang isang napaka – aktibong lingkod bayan hindi lamang sa loob ng kapitolyo kundi lalo na sa kaniyang mga mapagkawang – gawa na mga proyekto sa iba’t – ibang bayan at barangay.
Mayor Cristy Angeles of Tarlac A Woman of Action and Untiring Service
People's day headed by no other than mayor Cristy Angeles herself
Every Monday is Mayor Cristy’s favorite day because of her people’s day!