#4PHUpdate: Sama-samang pagtugon sa mga pangangailangan sa pabahay ng lungsod ang tinututukan ng City Government of Tarlac sa pangunguna ni Mayor Cristy Angeles kaisa ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD).

Nagsagawa ng beripikasyon ang Kaerland Development Corporation (developer ng 4PH) sa lokasyon kung saan ito itatayo, ang mga access roads, existing concrete roads sa site, at census & tagging ng mga existing occupants ng Kaisa Angel Village nitong June 25. Ang Social Housing Finance Corporation (SHFC) naman ay naglikom ng mga isinumiteng mga dokumento mula sa mga aplikante at para sa registration ng Homeowners Association o HOA.