“Hindi po biro ang P10,000,000 na ipamimigay ngayong araw na ito. Kaya lahat po nito kaloob namin para sa inyong lahat, lahat po ginagawa natin, nagsusumikap tayo para maibaba ang maraming programa para sa taumbayan!” ~Mayor Cristy Angeles

3,333benepisyaryo mula sa iba’t ibang sektor ng Lungsod ng Tarlac kabilang na ang mga senior citizens, Kaisa Women’s Organization (KWO), Tricycle Operators and Drivers Association (TODA), magsasaka, at mga indigents mula sa 76 barangays ang nabibiyayaan at tumanggap ng P3,000 kada isa sa naganap na Assistances to Individuals in Crisis Situation (AICS) Pay-out sa pamamagitan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at ni House Speaker, 1st District Representative, Leyte Hon. Ferdinand Martin G. Romualdez ngayong March 5, 2024 sa Tarlac City Gymnatorium.