Suportado ng Pamahalaang Lungsod sa pamumuno ni Mayor Cristy Angeles ang pagsusulong ng ingklusibong edukasyon at maging sa pagkamit sa adhikaing “edukasyon para sa lahat”, sa pagtataguyod ng Special Education (SPED) sa lungsod at ng buong Pilipinas sa pamamagitan ng pagbibigay ng dekalidad na edukasyon sa mga mag-aaral na may kapansanan para sa pang-akademiko at maging sa holistikong paghubog ng mga mag-aaral na may espesyal na pangangailangan sa pagkatuto.

Maaari nang mapakinabangan ng mga estudyanteng may kapansanan mula sa Tarlac West Central Elementary School ang Special Education (SpEd) Classroom mula sa Special Education Fund (SEF) para sa tuloy-tuloy na pagkatuto ng mga mag-aaral dito.