“Natutuwa po kaming masaksihan ang simula ng katuparan na matagal na ninyong pangarap na magkaroon ng sariling building ang Tarlac City PNP complex. And we are grateful to be a part of this dream come true to the donation of this land property for our Tarlac City PNP. Kinikilala po ng ating administrasyon ang napakahalagang papel ng ating kapulisan sa patuloy na pagunlad ng Tarlac City kung kaya lubos po ang aking suporta para sa Tarlac City PNP sa abot po ng ating kakayanan, Ang pagkakaroon po ng sariling gusali ng ating PNP is another burst in the history of Tarlac City”. -Mayor Cristy Angeles

Hudyat ng pinahusay na pagliligtas ng buhay at pinalawak na oportunidad ng pagbibigay ng hustisya ng ating kapulisan ang naganap na Groundbreaking Ceremony ng Construction ng Tarlac City Police Station sa Brgy. San Nicolas ngayong February 21, 2024 kaisa ang City Government of Tarlac sa pangunguna ni Mayor Cristy Angeles at ang Philippine National Police (PNP).