Napakapalad po natin na patuloy tayong ginagabayan ng ating DILG para sa maayos, malinis at matapat na panunungkulan sa pamamagitan ng seminar na ito na naglalayong magabayan tayong lahat na mga bagong halal na opisyales ng inyong mga barangay. Lahat po tayo ay may matututunan sa seminar na ito bilang mga lingkod bayan. Hindi po tayo tumitigil na mag-aral at matuto upang lalo pang maragdagan at mapagyaman ang ating kaalaman, ika nga po, No One is Too Old to Learn New Things! Age doesn’t matter, what matters is yung serbisyong nanggagaling sa ating mga puso!” ~Mayor Cristy Angeles
Batid ng Pamahalaang Lungsod ng Tarlac sa pamumuno ni Mayor Cristy Angeles ang kahalagahan ng nagkakaisang pagsisilbi sa publiko. Para mapabuti at maiangat ang buong lungsod, matagumpay na pinabuti ang kakayahan at kapasidad ng lahat ng mga barangay chairman at buong konseho ng bawat barangay sa unang araw ng Barangay Newly Elected Officials (BNEO) towards Grassroots Empowerment for Accountable and Transparent (GREAT) Basis Orientation Course na ginanap sa Kaisa Convention Hall ngayong February 14, 2024. Layon ng term-based program na ito na mapabuti ang kapasidad ng barangay at kakayahan ng mga opisyal, kawani at mga stakeholders upang maipatupad ang serbisyong kanilang ibinibigay at maitaguyod ang mabuting pamamahala sa bawat barangay.