Para mas marami pang matulungan ang butihing Ina ng Lungsod na si Mayor Cristy Angeles, tatanggap pa ng anim na pasyente sa susunod na linggo ang Tarlac City Dialysis Center na nagbukas at nag-operate noong January 22, 2024 . Sa ngayon, mayroong kabuuang 48 slots, 26 slots na ang occupied dito at may 12 na bed capacity ang Tarlac City Dialysis Center.
Nagsisimula ang operasyon ng pasilidad mula 8:00 AM hanggang 5:00 PM tuwing Lunes, Martes, Huwebes, at Biyernes. Matatagpuan ito sa Hilario St., Brgy. Ligtasan, Tarlac City Hall katabi ng Tarlac City Animal Bite Treatment Center, Legislative Bldg.