
TULONG PANGKABUHAYAN SA MGA TARLAKENYO!
Hangad ng Pamahalaang Lungsod ng Tarlac, sa mahusay na pamumuno ni Mayor Cristy Angeles, na maipaabot ang tulong pinansyal para sa mga kwalipikadong Tarlakenyo na nawalan ng trabaho sa ibang probinsya nitong panahon ng pandemya.
Mapalad ang 15 benepisyaryo na indigent citizens sa Lungsod ng Tarlac, na tumanggap ng cheque na naglalaman ng P50,000 bawat isa sa ilalim ng Balik Probinsya, Bagong Pag-Asa Program 2. Ito’y magsisilbing livelihood assistance ng bawat isa upang makapagsimula muli at makapagtayo ng maliit na negosyo na makakatulong maingat ang kanilang pamumuhay. Sila rin ay nakatanggap ng foodpacks at cash gift mula kay Mayor Cristy na ginanap sa Kaisa Convention Hall ngayong August 25, 2022.
Patuloy ang mabuting pakikipag-ugnayan ng Tarlac City Government sa Department of Social Welfare and Development Office (DSWD) kaantabay ang City Social Welfare and Development Office (CSWD) na matulungan ang ating mga kababayan na magkaroon ng ikabubuhay lalo na ngayong panahon ng pandemya.