Pinaagang Christmas blessing ang ipinagkaloob ni Sen. Imee Marcos sa tulong ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa ating mga kababayan na kasama sa programang Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS):

– P10 milyong piso para sa AICS para sa 1,000 students ng Tarlac State University o 5,000 pesos kada estudyante

P22.5 milyon na pasweldo para sa 500 fresh graduates ng programang Kapit-Bisig Laban sa Kahirapan-Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services (KALAHI-CIDSS)

– P12 milyon Tulong Dunong Program ng Commission on Higher Education para sa 200 na mag-aaral

Masayang sinalubong ni Mayor Cristy Angeles kasama sina Mr. Victor Angeles at mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod ang butihing Senador na naglaan ng kabuuang 44.5 million pesos na educational cash assistance para lamang sa nabanggit na unibersidad.