November 27, 2022
PABATID!
Wala pong ulat na natatanggap ang Tarlac City PNP hinggil sa mga kidnapping at iba pang krimen dito sa Tarlac City, taliwas sa mga kumakalat na text messages at videos ng mga ito sa social media.
Aktibo po ang Tarlac City PNP sa pagtitiyak ng kaligtasan at seguridad sa ating siyudad.
Hinihiling na maging mapanuri tayo sa mga natatanggap at mga ikinakalat na mga balita at patuloy na mag-iingat sa lahat ng oras.
Maaaring kontakin 24/7 ang Tarlac City PNP sa Mobile Number 0998-5988494 para sa anumang krimen o police assistance.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *