Pandagdag sa kita at pantustos sa mga pangangailangan para sa 65 beneficiaries ng Tulong Panghanapbuhay sa ating Disadvantaged/Displaced (TUPAD) Workers ang handog ng City Government of Tarlac sa pamumuno ni Mayor Cristy Angeles.

Kaisa ang Department of Labor and Employment (DOLE), isinagawa ang Orientation, Contract Signing, at Distribution of Personal Protective Equipments ngayong May 21, 2024 sa Public Employment Service Office.

Naging posible ito sa pamamagitan ng paglalaan ng pondo para rito nila Sen. Grace Poe, Sen. Robin Padilla, Sen. Bong Revilla, Sen. Bong Go, Sen. Raffy Tulfo, at BHW Partylist.