Kalidad na imprastraktura ang hangad ng Pamahalaang Lungsod sa pamumuno ni Mayor Cristy Angeles para sa ikabubuti ng mga residente sa lungsod. Isinagawa ang Final Inspection ng Construction of Grain Warehouse sa Brgy. Baras-Baras, Tarlac City ngayong June 25, 2024 mula sa Trust Fund 2024, na may layon na protektahan ang mga prodyuser na nagdedeposito ng mga produktong agrikultural sa pampublikong imbakan at tiyakin ang pinansyal na integridad ng industriya.