Tinitiyak ng Pamahalaang Lungsod ng Tarlac sa pangunguna ni Mayor Cristy Angeles sa pamamagitan ng City Planning and Development Office (CPDO) na kaakibat ng mga developments sa lungsod ang maayos na pagpaplano at pagpapatupad ng mga regulasyon ayon sa batas para sa isang maunlad at ligtas na pamayanan.
Para sa legal na operasyon ng mga negosyo sa Tarlac City, isinagawa ng mga kawani ng CPDO ang application monitoring at validation ng mga requirements ng 20 unit warehouses sa Brgy. Sta. Cruz kahapon June 24, 2024. Sinuri ang mga dokumento, project cost, land use, at iba pang requirements na titiyak na tama ang impormasyon ayon sa kanilang aplikasyon at walang illegal activities.