“Magmula po ng maupo si Mayor Cristy we are trying to computerize, gawing modern ang governance namin. Successful naman po ang eLGU, welcome po at magtulungan po tayo!” ~Atty. Joselito Castro
Kaisa ng National Government ang City Government of Tarlac sa pangunguna ni Mayor Cristy Angeles sa layuning i-unify ang LGU system sa lahat government services ng LGU, National Government Agencies, at Government-owned and controlled corporations (GOCCs) gamit ang eGOV App PH at subsystem nito na eLGU system. Ang pilot offices na Local Civil Registry, Information Technology: FB at website ng LGU, BPLO at iba pa ay sumailalim onsite monitoring ng priority LGUs para sa implementasyon ng eLGU system ngayong June 20, 2024 para mapaigting ito sa darating na 2025 kaagapay ang DILG Region 3 sa pangunguna ni Division Head Engr. Mcgyver David at Ms. Mhelyn Kristel Tanhuenco, DILG Tarlac Cluster Team Leader LGOO VII Dennis Daruiz Department of Information and Communications Technology (DICT) Tarlac sa pangunguna ni Mr. Edwin Mendoza at Mr. Paulo Landicho.
Matatandaan na isa ang Tarlac City sa mga 120 napili ng Department of Information and Communications (DICT), IT and Business Process of the Philippines (IBPAP), at Leechiu Property Consultants (LPC) sa mga sasailalim sa Digital Cities 2025 program na nabigyan ng eLGU monitoring system.
Sama-sama nating gamitin ang kapangyarihan ng teknolohiya para sa pinabilis, pinahusay at pinasimpleng ugnayan at paghahatid ng contactless, paperless, at cashless na serbisyo sa publiko! I-download ang app sa https://play.google.com/store/apps/details?id=egov.app