Patuloy ang City Government of Tarlac sa pamumuno ni Mayor Cristy Angeles sa paggawa ng kapaki-pakinabang na mga proyektong pang imprastraktura para maayos na daan at kaligtasan ng mga residente sa lungsod.

Isinagawa ang Final inspection ng Concreting of Farm to Market Road sa Brgy. San Jose, Tarlac City mula sa Development Fund na makakapagpabilis ng paggalaw at pagbiyahe sa mga karatig na lugar at upang magkaroon ng ligtas na daan para sa pagpatuloy na paggaan ng kanilang pamumuhay.