Isa sa mga pangunahing programa ni Mayor Cristy Angeles ay may tatak na “Tao Parati” at hindi “tao muna”, dahil para sa Ina ng Lungsod, numero uno na prayoridad ang pangkalahatang pangangailangan ng bawat isang Tarlakenyo sa lungsod sa kanyang nag-iisa at orihinal na programang People’s Day.

Kapag alam mo kung ano ang pinakamahalaga sa iyo, ang paggawa ng desisyon ay napapadali at tunay nga itong magaan sa pakiramdam. – Mayor Cristy Angeles

Sa People’s Day ni Mayor Cristy, isa-isang hinaharap at isa-isang pinakikinggan ang bawat pangangailangan ng sinumang bibisita rito, abutin man ng umaga at kahit pa kakaunti lang ang pahinga, patuloy pa rin ang non-stop quality public service na handog nito para sa lahat.