Sabay-sabay na iwinagayway ang mga watawat para sa paggunita ng Araw ng Kalayaan bilang pagbibigay pugay sa mga bayani ng ating paglaya ngayong araw, bilang paalala kung saan isinasantabi ang nagbabantang kulay ng dominasyon, hindi na muling magpapasakop sa anumang panlabas na puwersa na namamahala o nagtatakda ng ating kapalaran at bilang panawagan para sa pagiging makabayan, at paggunita sa dangal ng bawat Pilipino sa mundo.

Pinangunahan ni Tarlac City Mayor, Honorable Mayor Cristy Angeles, kasama ang numero uno na City Councilor, KT Angeles, mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod, mga City Government employees at iba pang mga lokal na opisyal ang flag raising ceremony na ginanap sa Tarlac City Plazuela, bilang simbolo ng ating pagkamakabayan at mapaigting pa ang pagmamahal sa ating bansa at sa ating kalayaan, parte ng selebrasyon ng ika-126 na taong anibersaryo ng Araw ng Kalayaan.

Bilang isang lingkod bayan, bagama’t hindi ko man po mapapantayan ang kabayanihan at sakripisyo ng ating mga bayani, ay mabibigyang halaga ko pa rin ang ipinamana nilang kalayaan sa pamamagitan ng aking patuloy na pagsusumikap na makapag-lingkod nang maayos, malinis at tapat sa ating mga kababayan. Panunungkulang may puso at tunay na malasakit sa lahat ng sektor. Patuloy po sana tayong magkaisa upang mapangalagaan ang ating kalayaan para sa mga susunod na henerasyon. Huwag po nating hahayaang mabalewala ang mga sakripisyo ng ating mga magigiting na bayani na nagbuwis ng buhay para sa ating kasarinlan. – Mayor Cristy Angeles

Nakiisa rin sa selebrasyon ang GMA Kapuso Network kasama ang mga GMA Kapuso Stars, mula sa bagong historical drama ng GMA, ang “Pulang Araw” na sina Dennis Trillo at Ashley Ortega at All-Out Sundays star, Mariane Osabel na nagbigay ng hindi matatawarang pagtatanghal para sa karagdagang kasiyahan ng mga dumalo rito.

Ang okasyon ng Araw ng Kalayaan ng Pilipinas ay nagpapaalala sa atin na mag-ambag ng isang bagay tungo sa pag-unlad at kaunlaran ng ating bansa. Tunay ngang pinagpala tayo na tayo ay isinilang at lumaki sa isang malayang bansa.

Mainit na pagbati ng Maligayang Araw ng Kalayaan ng Pilipinas sa lahat!