Excited at ready to learn ang 88 new work immersion students mula Tarlac State University Laboratory School na maligayang sinalubong ng City Government of Tarlac sa pamumuno ni Mayor Cristy Angeles ngayong May 27, 2024.
Mga payo tungkol sa pag-aaral, pangangalaga sa mental health at pag-alpas sa mga pagsubok ang ipinaabot ng Ina ng Lungsod sa mga mag-aaral bago i-deploy sa iba’t ibang mga opisina. Bilin pa niya, “To all of you, I wish you the best, good luck and pagdating ng araw, you’re success will also be my success because once upon a time, in your journey, magkakasama tayo sa city hall habang kayo ay natututo.”
Ang Work Immersion ay isang requirement sa K-12 Curriculum ng Department of Education upang maka-graduate ang mga senior high school students. Sumasailalim sa 10-day on job training ang mga ito kung saan natututunan nila ang angkop na pag-uugali sa workplace setting at kung paano gumagana ang mga opisina at mga empleyado rito.