#PublicServiceinaClick: Pinadaling access sa mga serbisyo ng pamahalaan ng mga mamamayan sa pamamagitan ng one-stop-app na eGovPH Super App ang layunin ng isinagawang (2) dalawang araw na pagsasanay para sa “Deployment ng eLGU system (eNews & eBPLS) sa system ng Tarlac City kaisa ang mga kawani ng Pamahalaang Lungsod ng Tarlac kasama ang mga itinalagang Administrators na naging posible sa tulong ng Department of Information And Communications Technology sa mahusay na pakikipag-ugnayan ng City Government of Tarlac sa pangunguna ni Mayor Cristy Angeles.

Sama-sama nating gamitin ang kapangyarihan ng teknolohiya para sa pinabilis, pinahusay at pinasimpleng ugnayan at paghahatid ng contactless, paperless, at cashless na serbisyo sa publiko! I-download ang app sa https://play.google.com/store/apps/details?id=egov.app