November 27, 2022

Lubos ang suporta ng Pamahalaang Lungsod ng Tarlac sa pamumuno ni Mayor Cristy Angeles sa sector ng agrikultura bilang isa ito sa mga susi sa pagpapaunlad ng ating lungsod. Ngayong araw, ika-23 ng Pebrero, 2022 nagtungo ang mga kawani ng City Agriculture Office na pinamumunuan ni City Agriculturist, Norma Tongol upang bisitahin ang Green House Lettuce Hydrophonic Farm ng Maliwalo Farmer’s Marketing Cooperative sa pangangasiwa ni Mr. Marcelo Laus sa kanilang pag-aani ngayong araw. Isa lamang sa mga proyekto ng National Government sa tulong ng Department of Agriculture Regional Field Office III ang pagtatayo ng mga greenhouses bilang bahagi ng Urban Gardening Project ng Department of Agriculture (DA). Sinisiguro naman ng City Agriculture Office na nasubaybayan ang paglaki at pag-unlad ng mga litsugas at buo ang suporta nito sa pagtulong sa marketing ng mga produkto upang mapabilis ang pagbenta ng mga produktong ito at posibleng umabot sa merkado. #TarlacCityInformationOffice#MagkaisaBawatOrasSamaSama

L

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *