November 29, 2022
Walang sawang pasasalamat at pagpupugay ang gustong iparating ni Mayor Cristy Angeles at ng buong Lungsod sa Tarlac sa kasipagan at pagsisikap ng ating mga frontliners na nagsasagawa ng LIBRENG NASAL SWAB ANTIGEN TEST sa ating mga kababayang first generation contacts o family members ng COVID positive patients.
Isa lamang ang libreng testing sa mga hakbang upang mapigilan ang pagdami ng positibong kaso ng COVID-19. Ilan pa sa mga kaakibat nito ay ang regular na disinfection at mga preventive measures tulad ng pagsusuot ng face mask, pagdaan sa temperature gun at hand washing stations.
Mabuhay po kayo at patuloy po tayong magkaisa sa ating laban kontra COVID-19!
#MagkaisaBawatOrasSamaSama

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *