November 27, 2022
Malugod na tinanggap ni Mayor Cristy Angeles ang pagbisita ng mga kawani ng Land Transportation Office (LTO) sa Tarlac City Hall ngayong araw, February 9, 2022.
Suportado ni Mayor Cristy ang adbokasiya ng LTO na nagpapakita ng mabilis at mahusay na public service para sa isang progresibong sektor ng land trasport kaya naman isang proyekto ng Land Transportation Office kasama ang Pamahalaang Lungsod ng Tarlac at Northside Driving School ang ilulunsad, libreng Theoretical Driving Course (TDC) para sa mga naghahangad na makakuha ng student driving permit.
Patuloy ang pakikipag-ugnayan ni Mayor Cristy sa iba’t-ibang ahensya ng gobyerno at maging sa mga non-governmental organization (NGOs) para sa ikauunlad ng mga mamamayan sa ating lungsod.
#TarlacCityInformationOffice
#MagkaisaBawatOrasSamaSama

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *