November 29, 2022



Upang palakasin ang programang pangkabuhayan para sa ating mga kababaihan handog ng Kaisa Women’s Organization (KWO) sa pangunguna ni Mayor Cristy Angeles, isinagawa ang libreng training ng free-range chicken raising sa tulong ng Tarlac City Veterinary Office para sa anim na miyembro ng Kaisa Women’s Organization (KWO) mula sa Barangay Dolores, San Luis at Matatalaib ngayong araw, February 9, 2022.Malapit sa puso ni Mayor Cristy ang programang “Pass the Gift” Program dahil nagsimula ang napakagandang proyektong ito sa kanyang hangarin na makatulong sa kapwa kababaihan. Ang mga libreng manok ay personal na inalagaan, pinalaki at pinarami mismo sa bakuran ni Mayor Cristy. Hindi lang libreng manok ang prayoridad na maibahagi ni Mayor Cristy pati na rin ang Basic Training sa Free-Range Chicken Farming na may layunin na maparami at maipasa sa ibang miyembro ng KWO ang libreng manok na magbibigay ng oportunidad upang sila’y magkaroon ng pagkukunan ng pagkain para sa pangsariling konsumo at paglaon ay maaari ring pangnegosyo. Ilan sa mga mahahalagang impormasyong ibinahagi sa training ay ang requirements sa pabahay ng manok, pagkain, paano ang pagpapalahi nito, tamang pag-aalaga at pagpapalaki ng sisiw at iba pa.Magpapatuloy ang kapaki-pakinabang na pangkabuhayan para sa mga kababaihan ng Tarlac City, hatid ng patuloy na training at pamamahagi ng libreng FREE-RANGE CHICKEN sa ilalim ng Pass the Gift Program sa inisyatibo ni Mayor Cristy Angeles na mabigyan ng oportunidad na maging financially independent ang mga kababaihan sa lungsod. #TarlacCityInformationOffice#MagkaisaBawatOrasSamaSama

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *