November 29, 2022

A helping hand for your future! 🌟

“Envision yourself for what you want to be, your future lies in your hands” ~ Mayor Cristy Angeles

Kaisa sa pag-abot ng pangarap ng mga estudyanteng Tarlakenyo ang City Government of Tarlac sa pamumuno ni Mayor Cristy Angeles katuwang ang City Social Welfare and Development (CSWD) na pinamumunuan ni Ms. Carol Serrano.

898 City Scholars ang nakapag-payout ngayong araw, October 26, 2022, sa Kaisa Convention Hall, kung saan nakatanggap ng P10,500 ang mga Full Scholars, P8,000 naman bawat isa para sa mga Grantee 1 Scholars, at P4,000 bawat isa para sa mga Grantee 2 Scholars.

Binibigyang halaga ng ating pamahalaan ang edukasyon ng mga kabataan kung kaya patuloy ang pagpapaabot ng tulong pinansyal sa mga eligible students ng lungsod upang maalalayan ang mga ito sa kanilang pag-aaral.

Pinaalalahanan din ng butihing Ina ng Lungsod ang mga City Scholars to “remember the word “gratitude”, gratitude sa mga magulang ninyo, gratitude sa mga taong nakatulong sa inyo para makapagtapos kayo ng pag-aaral. A very grateful person will always achieve high in life”.

#TarlacCityScholars

#CSWD

#TarlacCity

#TarlacCityInformationOffice

#MagkaisaBawatOrasSamaSama

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *