January 28, 2023

Isa ang City of Tarlac sa 15 out of 19 LGUs sa buong probinsya na ginawaran ng Top Performing Provincial, City and Municipal Award mula sa The Department of the Interior and Local Government Tarlac sa 2022 Regional Anti-Drug Abuse Council (ADAC) Performance Awards.

Tinanggap po ng ating City Administrator – Atty. Numer Lobo ang nasabing parangal nitong January 16, 2023 na ginanap sa Kingsborough International Convention Center, City of San Fernando, Pampanga.

Ang Regional ADAC Performance Award ay pagkilala ng DILG R3 sa mga local government units (LGUs) na may huwarang pagganap sa pagpapatupad ng mga programa, proyekto, at aktibidad upang labanan ang iligal na droga. Manipestasyon din ito ng namumukod-tanging serbisyo at pangako ng mga LGU sa pagsuporta sa pambansang kampanya laban sa iligal na droga, at naaayon sa DILG’s Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan (BIDA) Program.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *