Ipanganak noong March 22, 1963 sa mag-asawang Juanito Chan-Go at Gng. Aurora Quiambao-Perez na angkan ng mga negosyante, naniniwala si Konsehal Cesar na mas angkop ang kanyang kakayahan sa paglilingkod sa bayan. Nais niyang ibahagi ang kanyang buhay sa serbisyo publiko lalo na sa mga mamamayan na nangangailangan bukod pa sa pagnanasa na maitatag ang isang pamahalaan at lipunan na patas at may kapayapaan.
Siya ay nakapagtapos ng kanyang elementarya sa Sto. Cristo Elementary School at sekondarya sa Don Bosco Technical Institute kung saan nasanay siya sa gawaing maka-Diyos. Sa Kolehiyo naman ay nagtapos siya ng kursong BS Electrical Engineering sa Tarlac College of Technology (ngayon ay Tarlac State University) kung saan nahikayat siyang pangunahan ang Supreme Student Council noong taong 1988 habang nag-aaral dahil nakitaan ng potensiyal sa pamumuno lalo na sa mga kabataan.
Matapos ang kolehiyo ay nahalal na kagawad ng barangay Sto. Cristo mula 1998 hanggang 1992 na nagbigay sa kanya ng pagkakataon na ibahagi ang kanyang adbokasiya para sa mga ka-barangay. Dahil sa mahusay na serbisyo ay nahikayat na tumakbo bilang Konsehal ng bayan ng Tarlac noong 1992-1998 at ng magi itong ganap na lungsod mula 1998 – 2001.
Matapos ito ay nagpasiya munang magpahinga sa larangan ng sebisyo publiko si Konsehal Cesar at nanatili sa pribadong buhay. Sa pagsisimula ng terminong Angeles noong 2016, muling humabol sa pagka-konsehal bilang independiyenteng kandidato at pinalad na makabalik. Ipagpapatuloy sana niya ang kanyang ikalawang termino noong 2019 ngunit hindi siya pinalad na makapasok. Sa paniniwalang talunan lamang ang sumusuko, muling sumubok si Konsehal Cesar sa nagdaang eleksiyon 2022 at muli siyang nagwagi sa botohan at mapabilang sa bagong hanay ng Sangguniang Panlungsod.
Sa ngayon ay masaya sa kanyang paglilingkod si Konsehal Cesar. Kasama sa kaniyang inspirasyon sa tapat na pagsisilbi ang kanyang asawa na si Josephine at mga anak na sina Jonathan, John October, Joana Niña at Joana Patricia na may kanya-kanya ng maayos na buhay.