Isinilang sa lungsod ng Quezon noong April 26, 1995 at siyang bunsong anak nina dating Tarlac City Mayor Gelacio “Ace” Roman Manalang at Gng. Lorna Sicangco Bautista.
Siya ay nag-aral ng elementarya sa Fairlane Young Achiever’s School at kalaunan ay lumipat sa Tarlac Montessori School para sa kanyang sekondarya. Nagtapos siya ng kolehiyo sa Far Eastern University ng titulong Bachelor of Science in Business Administration, Major in Legal Management.
Siya ay isang negosyante, tagapamahagi (distributor), magtitingi (retailer) at dating mamamahayag sa Manila Bulletin Sport Digest mula taong 2013 hanggang 2016.
Naglingkod din blang Pangalawang Pangulo ng Sangguniang Kabataan Federation ng Tarlac City mula 2010 hanggang 2013 at Tagapangulo din noon ng SK ng Brgy. San Rafael.
Siya ay miyembro ng iba’t-ibang socio-civic organizations tulad ng Rotary Club of Tarlac Metro, Fraternal Order of Eagles – Capas Freedom Warriors Matikas Eagles Club, Cosmo P. Antonio Memorial Order of Demolay No. 80, at marami pang iba.
Naglunsad siya ng programa na nag-aabot ng tulong medikal sa kanyang mga nasasakupan upang makatulong sa kanilang pangangailangang hospitalisasyon at mga medesina.
Isa siyang magalang, masipag, mahusay na mananalita at politikong may kaalaman sa iba’t-ibang aspeto kaya naman siya napamahal sa komunidad. Ang marinig ang boses at gumawa ng pagbabago ang ilan sa mga dahilan kaya ninais niyang maging pulitiko mula pa noog siya ay nasa kolehiyo. Ang magkaroon ng katarungan sa lipunan at gumawa ng kongkretong pagbabago ang ilan sa kanyang hangarin sa kanyang pagpasok sa larangan ng pulitika at humawak ng mahalagang posisyon. Naniniwala si Konsehal Robert na ang mabilis at agarang pag-talima sa mga bagay-bagay ang paraan upang makatulong siya sa mas marami pang mamamayan na siya ring magbibigay patunay sa kanyang tagline na, “Aktibo, Aksiyon Agad!”