Ngayong bagong taon, diretso pa rin ang pagsulong ng “Tarlac City, Clean City” ng Pamahalaang Lungsod sa direktiba ni Mayor Cristy Angeles, kaantabay ang City Environment and Natural Resources Office (CENRO) na agaran ang aksyon pangkalinisan sa pagsasagawa ng clean-up drive at clearing operation sa ilang parte sa Tarlac City nitong January 1-2, 2022.
Inaanyayahan ang lahat na makibahagi sa pagpapanatili ng kalinisan ng ating kapaligiran sa pamamagitan ng pagkakaroon ng disiplina sa sarili at wastong pagtatapon ng basura sa lalagyan.