March 27, 2023

Matapos ang 10-day na pagsisipag ng 1,033 TUPAD beneficiaries, nakapag-payout na sila just in time for Christmas season! Sa pagsisikap ng City Government of Tarlac, sa pamumuno ni Mayor Cristy Angeles katuwang ang Public Employment Service Office (PESO) sa pangunguna ni Engr. Arnold Samson, matagumpay na naipamahagi ang P4,500 halaga na sweldo ng mga beneficiaries sa ilalim ng programang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa pamamagitan ng paglalaan ng pondo nila Senators Francis Tolentino at Bato Dela Rosa.

Ang TUPAD ay isang programang hatid ng pamahalaan upang magbigay oportunidad na dagdag kita para sa mga kababayan nating displaced, underemployed, at seasonal workers sa pamamagitan ng pagseserbisyo sa komunidad gaya ng paglilinis ng kapaligiran.

#TUPADPayout

#TarlacCityInformationOffice

#MagkaisaBawatOrasSamaSama

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *