“Inside every seed is the potential for an incredible harvest.”
Ang pinakamabilis na mga interbensyon na maaaring magbigay ng mabilis na resulta ay ang paggamit ng mga dekalidad na binhi at angkop na mga pataba para sa pagkamit ng mataas na produktibidad sa bigas na siyang tinututukan ng City Government of Tarlac sa pamumuno ni Mayor Cristy Angeles bilang suporta sa mga magsasaka ng lungsod.
Naipamahagi ngayong araw, October 10, 2022 ang humigit kumulang 900 bags ng dekalidad na hybrid seeds sa mga lokal na magsasaka na rehistrado sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA) sa Brgy. Aguso at Brgy. Tariji, sa pamamagitan ng City Agriculture Office sa pamumuno ni City Agriculturist Norma Tongol.





