#NoSegregationNoCollection
PABATID! Walang maayos na paghihiwalay ng basura, Wala pong hakot nito.
Sa bisa ng RA 9003 o Ecological Solid Waste Management Act of 2000, tanging kokolektahin o hahakutin ng trak ng basura sa mga residences o lugar ay mga tinatawag na residual waste o mga basurang hindi nabubulok at hindi na kaya pang ma-recycle o gawing compost.
Halimbawa po ay diaper, sanitary napkins, luma o sirang basahan, karton na may plastik, sando bags, thin soft plastic, balat ng pagkain, mga pakete, at iba pang katulad na basura na hindi na pwedeng I-recycle o I-compost.
Maraming salamat po sa inyong kooperasyon, pakikiisa at istriktong pagsunod sa pamamahala ng basura.
#TarlacCityCleanCity
#MagkaisaBawatOrasSamaSama
