-
KALUNOS-LUNOS! Ito po ang kalagayan ng ating Uptown Public Market at ang pahirap at pasakit na dulot nito sa ating mga manininda.
PANOORIN po ito para malaman ang sagot sa inyong mga tanong: Sino po ang namamahala ng pamilihan? Paano nangyari na hindi ang gobyerno ang namamahala ng palengke? May mga paglabag ba ang kasalukuyang management sa batas at sa DENR? Ano ba ang kalagayan ng mga nagtitinda sa palengke?
-
Malinis at Maayos na Palengke, Posible!
“Andito po kami para itama na kung ano ang mga maling nakaugalian at practice ng nakaraan. Andito po kami para tulungan kayo, ayusin ang kalagayan ninyo. Dahil pagdating ng araw kayo rin po ang makikinabang sa mabango, malinis, maayos na pamayanang pamilihan.” ~ Mayor Cristy Angeles Ito ang mensahe ng Ina ng Lungsod sa mga manininda na humiling ng tulong sa City Government of Tarlac hinggil sa malilipatan nilang pwesto para makapagtinda matapos na maipahinto ang operasyon ng palengke dahil sa Cease and Desist Order ng DENR noong October 13, 2022. Hindi nagpatumpik-tumpik sa pag-aksyon si Mayor Cristy kung kaya nakiusap siya sa RU Aquino Corp. (RUA) na bigyan ng…
-
“Inside every seed is the potential for an incredible harvest.”
Ang pinakamabilis na mga interbensyon na maaaring magbigay ng mabilis na resulta ay ang paggamit ng mga dekalidad na binhi at angkop na mga pataba para sa pagkamit ng mataas na produktibidad sa bigas na siyang tinututukan ng City Government of Tarlac sa pamumuno ni Mayor Cristy Angeles bilang suporta sa mga magsasaka ng lungsod. Naipamahagi ngayong araw, October 10, 2022 ang humigit kumulang 900 bags ng dekalidad na hybrid seeds sa mga lokal na magsasaka na rehistrado sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA) sa Brgy. Aguso at Brgy. Tariji, sa pamamagitan ng City Agriculture Office sa pamumuno ni City Agriculturist Norma Tongol. #TarlacCityAgricultureOffice #DistributionofHybridSeeds #TarlacCityInformationOffice #MagkaisaBawatOrasSamaSama
-
#NoSegregationNoCollection
PABATID! Walang maayos na paghihiwalay ng basura, Wala pong hakot nito. Sa bisa ng RA 9003 o Ecological Solid Waste Management Act of 2000, tanging kokolektahin o hahakutin ng trak ng basura sa mga residences o lugar ay mga tinatawag na residual waste o mga basurang hindi nabubulok at hindi na kaya pang ma-recycle o gawing compost. Halimbawa po ay diaper, sanitary napkins, luma o sirang basahan, karton na may plastik, sando bags, thin soft plastic, balat ng pagkain, mga pakete, at iba pang katulad na basura na hindi na pwedeng I-recycle o I-compost.Maraming salamat po sa inyong kooperasyon, pakikiisa at istriktong pagsunod sa pamamahala ng basura. #TarlacCityCleanCity#MagkaisaBawatOrasSamaSama
-
APPLICATION for 2022 MAYOR’S PERMIT
APPLICATION for 2022 MAYOR’S PERMIT(for Tricycle, PUJ’s, UV Express & Buses) Monday to Friday from 8am to 4pmLocation: Entrance of Common TerminalREQUIREMENTS for PUVs: MV, OR & CR (LTO) | Franchise (Decision) (LTFRB-Confirmation) | Notice of Hearing | CPC (Franchise) | Franchise Confirmation | Operator’s/Driver’s License | Cedula (Current)REQUIREMENTS for TRICYCLE: MTOP | OR & CR | Stencil of Chassis | Operator/Driver’s License | Voter’s ID | Barangay Clearance | Cedula (Current) | 2×2 Picture #MTOP#TarlacCityInformationOffice#MagkaisaBawatOrasSamaSama
-
OPERATION SMILE
Libreng Operasyon para sa mga ipinanganak na may cleft lip at cleft palate (bata o matanda) handog ng Operation Smile Philippines sa pakikipagtulungan ng Tarlac City Government sa pamumuno ni Mayor Cristy Angeles. Maaaring magpunta sa Mayor’s Office para sa ibang detalye. Hanapin po si Kat. #MagkaisaBawatOrasSamaSama
-
TULONG PANGKABUHAYAN SA MGA TARLAKENYO!
Hangad ng Pamahalaang Lungsod ng Tarlac, sa mahusay na pamumuno ni Mayor Cristy Angeles, na maipaabot ang tulong pinansyal para sa mga kwalipikadong Tarlakenyo na nawalan ng trabaho sa ibang probinsya nitong panahon ng pandemya. Mapalad ang 15 benepisyaryo na indigent citizens sa Lungsod ng Tarlac, na tumanggap ng cheque na naglalaman ng P50,000 bawat isa sa ilalim ng Balik Probinsya, Bagong Pag-Asa Program 2. Ito’y magsisilbing livelihood assistance ng bawat isa upang makapagsimula muli at makapagtayo ng maliit na negosyo na makakatulong maingat ang kanilang pamumuhay. Sila rin ay nakatanggap ng foodpacks at cash gift mula kay Mayor Cristy na ginanap sa Kaisa Convention Hall ngayong August 25, 2022.…
-
PABATID!
PABATID! Wala pong ulat na natatanggap ang Tarlac City PNP hinggil sa mga kidnapping at iba pang krimen dito sa Tarlac City, taliwas sa mga kumakalat na text messages at videos ng mga ito sa social media. Aktibo po ang Tarlac City PNP sa pagtitiyak ng kaligtasan at seguridad sa ating siyudad. Hinihiling na maging mapanuri tayo sa mga natatanggap at mga ikinakalat na mga balita at patuloy na mag-iingat sa lahat ng oras. Maaaring kontakin 24/7 ang Tarlac City PNP sa Mobile Number 0998-5988494 para sa anumang krimen o police assistance. #FakeNews #TarlacCityInformationOffice #MagkaisaBawatOrasSamaSama
-
OPERATION SMILE
Libreng Operasyon para sa mga ipinanganak na may cleft lip at cleft palate (bata o matanda) handog ng Operation Smile Philippines sa pakikipagtulungan ng Tarlac City Government sa pamumuno ni Mayor Cristy Angeles. Magpunta po sa Mayor’s Office tuwing Lunes hanggang Biyernes 9am to 4pm at hanapin si Penny.#MagkaisaBawatOrasSamaSama
-
CLOSE COORDINATON NG NOLCOM AT NG CITY GOVERNMENT
Isa sa mga prayoridad ng Pamahalaang Lungsod ng Tarlac sa pamumuno ni Mayor Cristy Angeles ay ang matulungan ang mga kababayang gawing lehitimong maninirahan sa mga lupang kinatatayuan ng kanilang tahanan. Sa utos ni Mayor Cristy Angeles, tinalakay nila Atty. Numer Lobo, City Administrator at ng Northern Luzon Command [NOLCOM] Team sa naganap na close coordination ang mga issues at concerns ng mga residenteng naninirahan sa loob ng Camp Aquino Military Reservation ngayong July 4, 2022. Patuloy na sinisikap ni Mayor Cristy katuwang ang mga ahensya ng gobyerno na mabigyan ng disenteng tahanan ang mga nangangailangang Tarlaqueño sa lungsod. Panawagan ng Ina ng Lungsod, “Help our people and let’s make…