-->

ANGEL CARE PROGRAM


Ngayong araw ay binisita po natin ang Brgy. Carangian para magbigay serbisyo sa mga residente sa pamamagitan ng ating 6-IN-1 ANGEL CARE PROGRAM..

Ang programang ito ay binubuo ng mga sumusunod:

LIBRENG Late Registration of Birth Certificates
LIBRENG Legal Advice at Notaryo ng mga Dokumento
LIBRENG Medical Consultations at Gamot
LIBRENG Dental Check up at Bunot ng Ngipin
LIBRENG New Born Kits para sa mga Buntis
LIBRENG Salamin para sa Malinaw na Paningin (Reading Glasses)

Tuloy tuloy po ang programa nating ito at bibisitahin po natin ang bawat barangay ng lungsod upang tiyakin na ang ating mga programa ay bumababa at nadarama ng ating mga kabarangay.
-Mayor Cristy Angeles