1st Kaisa Festival

Kaisa Cityhood Anniversary Celebration!

1st Kaisa Festival: Pagdiriwang ng Diwa ng Pagkakaisa ng Tarlakenyo


Ang tunay na kahulugan ng pagkakaisa ay mararamdaman lamang ng mga mamamayan kapagdaka ng pagbabago at pagtatapos ng mga pagsubok. Sa pagluklok kay Mayor Cristy Angeles, unang babaeng alkalde ng Lungsod ng Tarlac, napatunayan na possible ito dahil sa kanyang pagpupurisiging gamutin ang mga sugat na iniwan sa siyudad. Marapat lamang na magkaroon ng pagdiriwang na sasagisag ng nararanasan na pagbabago at pagkakaisa ng mga mamamayan ngayon. Kaya naman sa kapistahan ng Patron ng siyudad, naghandog ang Ina ng Lungsod ng mga kasiyahan na pumukaw sa damdamin ng bawat Tarlakenyo. Narito ang mga pangunahing aktibidad sa kauna-unahang Tarlac City Kaisa Festival.

Benerasyon sa Mahal na Patron San Sebastian, taimtim na ginanap




     photos

January 16, 2017 Sinimulan ang kauna-unahang Kaisa Festival dito sa lungsod sa taimtim na pagdaraos ng Banal na Misa bilang pagbibigay pugay at paggalang sa mahal na Patron San Sebastian. Ang misa ay pinangunahan ni Rev. Fr. Melvin Castro, Kura Paroko ng Parokya ng San Sebastian, at dinaluhan nina Mayor Cristy Angeles, Vice Mayor Aro Mendoza, mga kasapi ng Sangguniang Panlungsod at kawani ng Pamahalaang Lungsod. Simula nang ialay kay San Sebastian ang Diyosesis ng Katoliko Romano dito noong 1686, nagkaroon na nang maraming milagro. Isang katangi-tanging halimabawa nito sa kasaysayan natin ay ang paglaya ng Probinsya ng Tarlac sa mga Hapon noong araw ng pagdiriwang ng pista ni San Sebastian noong 1944. Masasabing angkop na simbulo ang pagka-martir ni San Sebastian sa mga pagsubok na naranasan ng siyudad. Sa pagdaraos ng Kaisa Festival, iisa ang layunin ng simbahan at administrasyong Angeles—ang pagkakaisa at pagbibigay pasasalamat sa Panginoon sa bagong simula ng lungsod.

 

Tarlac West Central ES, TNHS wagi sa Kaisa Festival Street Dance Competition

January 18, 2017 Inuwi ng Tarlac West Central Elementary School ang tropeyo para sa unang gantimpala sa Kaisa Festival Street Dance Competition. Ang Tarlac National High School naman ang nanguna sa high school level. Dinumog ng daan-daang tao ang nasabing kompetisyon na ginanap sa Tarlac City Plazuela. Sa temang “Pagdiriwang ng Diwa ng Pagkakaisa ng Tarlakenyo” nakasentro ang mga ipinamalas na sayawin ng mga kalahok mula sa mga pampublikong paaralan sa siyudad. Bukod sa mga nagwagi, anim na paaralang elementarya ang lumahok sa nasabing patimpalak. Kasama dito ang Matatalaib Bato Elementary School na nakakuha ng ikalawang gantimpala at Maliwalo Central Elementary School na umani sa ikatlong gantimpala. Kalahok din ang Suizo Resettlement Elementary School, Baras-Baras Elementary School, Alvindia-Aguso Elementary School at Sto. Cristo Elementary School. Balibago Integrated School naman ang nakauwi ng ikalawang gantimpala at Maliwalo National High School ang ikatlo sa high school level. Ayon sa pinuno ng City Information Office at tagapamuno ng Grand Homecoming Night, Vlademir Marquez, “ang pagdiriwang ng kapistahan natin ngayong taon ay magsisilbing marka sa kasaysayan ng ating syudad sa pamumuno ni Mayor Cristy Angeles na nagsiguro na sa bawat aktibidad ay may pagkakaisa ang mga Tarlakenyo sa kabila ng pagkakaiba sa kultura at paniniwala katulad na lamang ng Street Dance Competition.”

Author Name (Author Designation)

1st Kaisa Arnis Championship, tagumpay

January 18, 2017 Isa sa mga pangunahing aktibidad na kabilang sa kauna-unahang Kaisa Festival ang ginanap na Kaisa Arnis Championship noong Enero 18, 2017 sa Tarlac City Plazuela. Sa pamamagitan ng butihing Mayor Cristy Angeles, Tarlac City Tourism Council, City Sports Development Division (CSDD) at Berimbolo Martial Arts and Functional Fitness Center, nagkaroon ng isang namumukod-tanging patimpalak sa martial arts sa kasaysayan ng lungsod. Ang kampeonato na dinaluhan din ni Vice Mayor Aro Mendoza ay ang naging hakbang ng mga nagwaging kabataang atleta sa pandaigdigang turnamento ng Arnis Tapi-Tapi. Ang Pamahalaang Lungsod ay nagpasalamat kay Grand Master Bambit Dulay ng Berimbolo at sa mga opisyales ng Modern Arnis Tapi Tapi sa kanilang pakikilahok sa selebrasyon ng Kaisa Festival. Nabanggit din ng pinuno ng CSDD, Arnold Rodriguez, na ang kampeonato ay nagtagumpay sa tulong na rin ng Tarlac Police Station, City Disaster Risk Reduction and Management Council (CDRRMC), City Environment and Natural Resources Office (CENRO) at City Information Office (CIO). Ang mga nagwagi: FLYWEIGHT Boys Gold- Angelo Nogoy Silver- Danille Jade Ocampo Bronze- Nikko Guttierez Girls Gold- Crystell Aiko Roque Silver- Aileen Salazar BANTAM WEIGHT Gold- Ferdinand Nogoy Silver- Ardii Placido Bronze – Mark Vincent Robles and Ezra Dela Cruz FEATHERWEIGHT Boys: Gold- Joshua Guevarra Silver- Nurhadi Macacuna Bronze – Jason Ding Girls: Gold- Phoebe Pineda Silver- Geraldin Balingit Bronze – Rosemarie Brocano and Pauline Ann Salvador ELEMENTARY CREATIVE ANYO Girls Gold- Kim Karla Nuqui Silver- Ashnney Stephanie Bernabe Boys Gold- Jacy Ray Tabamo Silver- Julius Adam Delos Santos SECONDARY CREATIVE ANYO Girls Gold- Geraldine Balingit Silver- Aileen Salazar Bronze- Pauline Anne Salvador Boys Gold- Danielle Jade Ocampo Silver- Ezra Dela Cruz Bronze – Angelo Gabriel Nogoy DOUBLE BASTON CREATIVE ANYO Girls Gold- Crystell Aiko Roque Silver- Geraldine Balingit Boys Gold- Nikko Guttierez Silver- Angelo Gabriel Nogoy SYCHRONIZED CREATIVE ANYO ELEMENTARY Girls - GOLD Ashnney Stephanie Bernabe Erika Shayne G. Cunanan Rosemarie M. Enriquez SYCHRONIZED CREATIVE ANYO SECONDARY Girls GOLD Aileen Salazar Pauline Ann Salvador Geraldine Balingit Boys GOLD Angelo Gabriel Nogoy Ferdinand Nogoy Danielle Jade Ocampo

  
 

Grand Float Parade, Ginebra Night dinagsa

January 19, 2017 Inabangan ng libu-libong Tarlakenyo at mga mamamayan mula sa karatig bayan ang hinahangaang mga artista sa Grand Float Parade na isa sa mga tampok na kasiyahan na handog ni Mayor Cristy Angeles sa nakaraang Kaisa Festival. Dumating ang mga kilalang artista gaya nina Tony Labrusca at James Ryan Cesena ng Pinoy Boyband Superstar, na handog ng SM City Tarlac. Mula sa Kapuso Network, dumalo din sina Julian Trono, Prince Clemente, Dave Bornea, Jay Arcilla, at Juancho Trivino, na hatid ng Market City, City Walk, at My Metrotown Mall. Mula naman sa Magic Star Mall si Gretchen Ho na isa sa mga tanyag na atleta sa bansa at TV host. Nakisama din sa saya sina Sam Pinto, Arron Villaflor, mga kandidato at nagwagi sa Miss Tarlac City 2017. Matapos ang engrandeng parada at float competition, dinagsa ng napakaraming tao ang Ginebra Night. Nagtanghal sa nasabing kasiyahan ang iba't ibang local bands gaya ng PS3, Highlights Band, Pencils and Crayons, at Karl Cabrera Band. Tumugtog din ang mga bandang Rouge at nagpakita ng talent ang Northdrive, na isang bandang tubong Tarlac City na nagsisimula nang mamayagpag sa larangan ng musika sa bansa. Tampok din sa naturang gabi ang bandang Calla Lily at si Arci Muñoz, na parehong nagpalundag at nagpakanta sa mga manonood habang sinasalubong ang kapistahan. Hindi rin nagpahuli ang mahal na Ina ng Lungsod na si Mayor Cristy Angeles sa pagsalubong sa unang minuto ng Enero 20, ang kapistahan ng Patron ng Lungsod ng Tarlac.

Author Name (Author Designation)

Kaisa Music Festival, dinaluhan ng mga tanyag na talento

(January 21, 2017) Tampok sa nakaraang Kaisa Music Festival ang mga tanyag na banda katulad ng The Dawn, Mayonnaise, Freeman Beat at Smooth Jive. Labis din ang kagalakan ng mga manonood nang sila ay napaindak ng mga magagaling na DJs at MCs katulad nina DJ Kimosave, Natalia Moon, Luane De Lima, Janice Dizon, Mia Sevien, DJ Lera, Carla Cray, MC A, MC Fame at MC Einstein. Ang gabi ng musika ay inihandog ng mahal na Mayor Cristy Angeles na bumili sa lahat ng tickets upang makapanood ng libre ang mga Tarlakenyo.

Dirk Jenkins - Queen of Hearts

Color Run Tarlac City, hatid ng Pamahalaang Lungsod sa pamilyang Tarlaqueño

(January 21, 2017) Humigit kumulang isang libong mga Tarlaqueño ang nakilahok sa masaya at makulay na aktibidad ng pamahalaang lungsod na binansagang Color Run Tarlac City noong ika-21 ng Enero ngayong taon. Bilang isa sa pinaka-inabangan ng mga Tarlakenyo sa isang linggong selebrasyon ng 1st Kaisa Festival sa lungsod, naging matagumpay at tunay na nakapagdala ng tuwa ang Color Run Tarlac City di lamang sa mga kabataan kundi pati na rin sa maraming pamilya na nakiisa sa programa. Kasama ang kanyang pamilya, tiniyak naman ni Mayor Cristy Angeles ang kanyang pagdalo sa natatanging aktibidad na ito. Ilan din sa mga lumahok ay ang ilang mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod, mga hepe ng iba’t ibang departamento at mga kawani ng pamahalaang lungsod. “I would like to thank everyone who made the very first Color Run Tarlac City a huge success. Sobrang nakakatuwa ang bilang ng mga pamilya at kabataan na nakilahok sa activity natin na ito. Maraming maraming salamat po sa lahat ng mga Tarlaqueño na nakiisa at nakitakbo sa ating kaunaunahang Color Run. To the Tarlac City Tourism Council at sa lahat ng bumubuo ng Kaisa Festival Working Committee, thank you very much and congratulations!” ani Mayor Cristy Angeles sa kanyang maikling mensahe bago magsimula ang programa. Katuwang ng Tarlac City Tourism Council ang City Sports Division, POSO, TMG, at CRRRMO sa pagbuo ng kauna-unahang Color Run Tarlac City ng Pamahalaang Lungsod.

Address


Address: Hilario St., Brgy. Ligtasan, Tarlac City

Tel: 045-925-5087

Email: tarlac.info@gmail.com